May kahalagahan ang sektor ng agrikultura ito ang pangunahing pinagmumulan ng pagkain,pinagkukunan ng hilaw na materyales at iba pa.Mayroon din itong suliranin tulad ng pagliit ng lupang sakahan dahil sa conversion,climate change,ang paggamit ng teknolohiya,epekto ng polusyon sa pangisdaan,ang paglaki ng populasyon sa bansa,mabilis na pagkaubos ng likas na yaman lalong-lalo na sa kagubatan at iba pa.
Ang sektor din ng agrikultura ay may mga batas para sa lupa at sa magsasaka ito ay ang Land Registration Act ng 1902,Public Land ng 1902,Batas Republika Blg.1169,Batas Republika Blg.1190ng 1954 at iba pa. Sa sa pangingisda mayroon ding batas una Pagtatayo ng Daungan,Philippine Fisheries Code of 1998,Fishery Research. Ang pagtrotroso ang mayroon ding batas ito ay ang Community livelihood Assistance Program(CLASP),Department of Environment and Natural Resources(DENR),National Integrated Protected Areas System(NIPAS),Sustainable Forest Management Strategy.
OPINYON; Ang opinyton ko tungkol sa sektor na ito ay dapat itong iprayoridad dahil sa ngayon ang lahat ng tao ay wala ng pake sa sektor na ito. Isipin din natin na ang sektor na ito ay isa sa mga pinagkukunan ng ating mga pangangailangan kagaya ng bigas,prutas at iba pa. Dapat nating isipin ang ating kinabukasan dahil sa oras na wala na ang sektor na ito,tayo ay magugutom at mamamatay dahil sa ating kapabayaan at hindi natin pagprayoridad nitong sektor. Dapat din nating bigyang pansin ito dahil mayroon nang conversion na nagaganap.
REALISASYON: Ang aking realisasyon tungkol dito ay ang sektor ng agrikultura ay isang napakahalagang sektor dahil kung wala ito,wala tayong makakakain kaya dapat nating alagaan,iprayoridad,at bigyang halaga tulad nang pagtanim ng mga palay at pag-alaga sa mga hayop para maging malusog. Ito din ay isang napakahalagang sektor dahil ito ay nagtataguyod sa malaking bagahi ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa dito upang matugunan ang suplay ng pagkain ng bansa at mga hilaw na materyales na kailangan ng industriya.
PROGRAMA: Ang gusto kong gawin na programa ng pamahalaan ay; Una,gusto kong bigyan ng pamahalaan ang mga magsasaka ng teknolohiya tulad ng makinarya upang maparami ang mga supply ng pagkain na kailangan ng ating bansa. Pangalawa,bigyan ng malaking lupa ang magsasaka upang marami ang matatamnang mga palay. Pangatlo,lagyan ng irigasyon ang mga palayan upang mabuhay ang mga palay at hindi matuyo ang lupa. Pang-apat,bigyan ng puhunan ang mga magsasaka upang makatanim sila dahil may mapagkukunan na sila ng puhunan. Panglima,bigyan ng bangka ang mga mangingisda kung nasisira na ang bangka nila upang makakuha sila ng isda at maibenta nila ito.
Ito ay dapat na gawin ng pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan natin at upang hindi na mahirapan ang magsasaka at mangingisda dahil sa mga programang ito. Ito din ay isang mahalgang mga programa na aking opinyon lamang upang ang mga nasa sektor na ito ay matulungan sa kanilang mga ginagawa. MARAMING SALAMAT SA PAGBASA NG AKING BLOG SANA AY MAYROON KAYONG NATUTUNAN SA BLOG NA ITO!!




